Wala munang barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), na nakatakda sana sa darating na Disyembre 5, matapos aprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang ipagpaliban ito.

Naiurong naman ito sa Disyembre 4, 2023.

May kabuuang 12 miyembro ng House panel ang bumoto pabor sa panukalang ipagpaliban ang electoral exercise ngayong taon at dalawa lamang ang hindi pabor sa panukala.

Ang dahilan sa likod ng pagkansela ay dahil pinaniniwalaan na makakatulong ito sa gobyerno na makatipid ng malaking pera na maaaring ilihis sa tulong pinansyal para sa mga mahihirap at iba pang mas kagyat na programa ng pamahalaan.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa pagdinig, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chief George Garcia na ang pagpapaliban ng botohan ay mangangailangan ng karagdagang halaga na P5 bilyon dahil mangangailangan ito ng mas maraming poll workers, presinto, at mga election paraphernalia dahil sa mga bagong rehistradong botante.

Aniya, "If we postpone it to March or December 2023, we will have to continue registration of new voters. This will mean additional voters, additional ballots, additional teachers, additional precincts, additional election paraphernalia."

Dagdag pa ni Garcia, mananatiling handa ang komisyon para sa BSKE.