Masigabong palakpakan at standing ovation umano ang isinukli ng mga manonood ng pelikulang 'Katips' pagkatapos matunghayan ang pelikula, ayon sa direktor nitong si Atty. Vince Tañada.

Ibinahagi ni Tañada ang Facebook post mula sa "Philippine Stagers Foundation" kung saan makikita ang "organic reaction" ng mga tao matapos mapanood ang Katips sa mga sinehan, na ngayon ay nasa ikalawang linggo na.

"The Organic Reaction of People: It's rare for us to see standing ovation and spontaneous applause of audience at the end of the film," ayon sa caption.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maututuring umanong isa sa "cinematic gems" ang pelikula.

"But FAMAS Best Picture Awardee KATIPS did just that. Acclaimed by critics, praised and cheered on by the general public, this film will go down in history as one of Cinematic Gems."

"Don't miss the chance to get your money's worth. Still showing now on it's Second Week," saad pa ng direktor.

Sa kabilang banda, sinabi ng direktor na magaganda ang naging review ng mga kritiko sa nabanggit na pelikula.

"#KatipsTheMovie is both praised by critics and hailed by people. What a journey indeed, for the filmmaker and his audience," ani Tañada.