Dalawang manlalaro ng Magnolia ang naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas na sasabak sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Agosto 25.

Sina Ian Sangalang at Jio Jalalon ay inaasahang sasalang sa ensayo ng Gilas sa Martes, Agosto 16, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Inimbitahan ng SBP ang dalawang manlalaro nang mabigong makapasok sa PBA Philippine Cup finals ang kanilang koponan matapos matalo ng TNT Tropang Giga nitong Linggo.

Nag-umpisa na sa pag-eensayo ang Philippine Team nitong Lunes, Agosto 15, ayon sa SBP.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang makalaban ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Zouk Mikael sa Beirut sa Agosto 26.

Haharapin din ng Gilas ang Saudi Arabia sa SM Mall of Asia Arena sa Agosto 29 dakong 7:00 ng gabi.

Kabilang sa paunang manlalaro ng ng Gilas sina Jordan Clarkson, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, Francis Lopez, Carl Tamayo, Kevin Quiambao at Kai Sotto.