Tuguegarao City -- Nanawagan si Mayor Maila Ting Que sa bawat Tuguegaraoeño na huwag maging kampante sa bansa ng Covid-19.

Aniya dapat maayos na masunod ang minimum public health standards sa lahat ng oras.

Mahigpit ding ipinag-uutos ang pagsusuot ng facemask sa tuwing lalabas ng bahay at sa mga enclosed places.

Ginawa niya ang panawagan matapos maiulat na tumataas muli ang biglang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Tuguegarao City, na umabot na sa 222 ngayong Lunes, Agosto 15.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Simula nang magka-pandemya, umabot sa 19,507 ang kumpirmadong kaso, 18,667 ang gumaling at 615 naman ang namatay.

Pinayuhan ng alkalde ang mga residente na kung sila ay nagkaroon ng sintomas, mag-isolate agad at magpa-test sa pinakamalapit na testing centers sa kanilang lugar.