Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si information and communications technology expert Nelson Celis bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec) commissioner nitong Huwebes, ayon sa pahayag Malacañang.
"Malacañang confirms the nomination of Mr. Nelson Celis to Comelec as a Commissioner," banggit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes, Agosto 15.
Papalitan ni Celis si Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, ayon naman kayComelec spokesperson John Rex Laudiangco.
"We sincerely believe that his expertise and long experience in Information Technology will immensely benefit the Comelec and further enhance the automation of our electoral processes," ayon sa Comelec.
Inaasahang makatutulong si Celis sa pamamalakad sa ahensya, partikular na sa automated elections.
Bago itinalaga sa puwesto si Celis, naging founding director muna ito ngNational Association of Data Protection Officers of the Philippines mula noong 2017.