Salungat ang opinyon ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner up Herlene "Hipon Girl" Budol sa kontrobersyal na pahayag ni "Maid in Malacañang" actress Ella Cruz tungkol sa "history is like tsismis".
Sa latest vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, itinampok niya ulit si Hipon Girl matapos ang tagumpay nito sa naturang beauty pageant. Nag-house tour si Herlene sa bago niyang bahay na regalo sa kaniya ng talent manager na si Wilbert Tolentino.
Matapos nito ay nagsagawa ng "Q&A" si Karen kay Herlene. Isa nga sa mga naitanong ni Karen ay kung ang kasaysayan ba ay kagaya ng tsismis.
"No," matigas na sagot ni Herlene. "Para sa akin po, napakasimple lang po, huwag po nating daanin sa kung ano-anong explanation… ang history po is katotohanan, ang Marites, hindi totoo… para sa akin nga, ang mga historian mga teacher na nagtuturo ng mga kasaysayan. Ang Marites, parang CCTV, social media.
Ilan pa sa mga natanong ni Karen ay kung pabor o di pabor siya sa diborsyo, kung dapat bang isalegal ang abortion at same sex marriage.
Sa tanong naman na "ano ang pinakamahirap na tanong," sinabi ni Herlene na ito ay ang mga tanong na hindi pa niya alam.
Sabi pa niya, turo daw ng trainor niya na anumang sagot, mali man ito sa iba, ay kailangang "sounds right" kapag sinabi na.