Dinalaw at muling itinampok ni ABS-CBN news anchor Karen Davila sa kaniyang vlog si Herlene Budol a.k.a. "Hipon Girl" na kamakailan lamang ay kinoronahan bilang "Binibining Pilipinas 2022 1st Runner up" at iba pang special awards, noong Hulyo 31, 2022.

Sa mismong bagong bahay ni Herlene naganap ang panayam. Nag-house tour si Hipon Girl kay Karen sa bago niyang bahay na regalo sa kaniya ng talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matapos nito ay nagsagawa ng "Q&A" si Karen kay Herlene.

Ilan pa sa mga natanong ni Karen ay kung pabor o di pabor siya sa diborsyo, kung dapat bang isalegal ang abortion at same sex marriage.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Para sa diborsyo, payag daw si Herlene dahil siya mismo ang nakaranas ng trauma noong bata pa siya. Iba raw ang dulot sa isang bata kapag nakikita niyang halos araw-araw na nag-aaway ang mga magulang.

Hinggil naman sa same-sex marriage, naniniwala si Herlene na dapat na itong isalegal dahil may karapatan umano ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na magtamasa ng kanilang mga karapatan, kagaya ng isang karaniwang straight na lalaki at babae.

Pagdating naman sa abortion, hindi umano pabor dito ang beauty queen-TV host dahil maituturing umanong biyaya mula sa Panginoon ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina.

Naitanong din ni Karen ang tungkol sa kontrobersyal na pahayag ni Ella Cruz na "history is like tsismis". Sang-ayon ba siya rito?

"No," matigas na sagot ni Herlene. "Para sa akin po, napakasimple lang po, huwag po nating daanin sa kung ano-anong explanation… ang history po is katotohanan, ang Marites, hindi totoo… para sa akin nga, ang mga historian mga teacher na nagtuturo ng mga kasaysayan. Ang Marites, parang CCTV, social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-kinontra-si-ella-cruz-tungkol-sa-history-is-like-tsismis/">https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-kinontra-si-ella-cruz-tungkol-sa-history-is-like-tsismis/

Sa tanong naman na "ano ang pinakamahirap na tanong," sinabi ni Herlene na ito ay ang mga tanong na hindi pa niya alam.

Sabi pa niya, turo daw ng trainor niya na anumang sagot, mali man ito sa iba, ay kailangang "sounds right" kapag sinabi na.