Matapos umere ang kaniyang vlog na “Kanto Birthday Party," tila hindi na raw natuto ang celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome, sey ng mga netizen.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay inulan siya ng batikos dahil sa kaniyang baby themed birthday photoshoot.

Nagpaliwanag naman ang noon ang vlogger tungkol dito sa pamamagitan ng mahabang Facebook post.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” mababasa sa bungad ng Facebook post ni Donna.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/10/donnalyn-bartolome-humingi-ng-tawad-kasunod-ng-kontrobersiyal-na-photoshoot/

Samantala, trending topic muli sa Twitter si Donnalyn dahil naman sa kaniyang kanto themed birthday party.

"THANK YOU FOR MAKING US #1 TRENDING ON ITS FIRST DAY!! Pinakasimple pero pinakamasayang birthday ko," paunang sabi ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post.

Ipinaliwanag naman niya kung bakit ganoon ang tema ng kaniyang birthday party.

"My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. Kaya nung umalis ako saamin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan. So I relived the times when I was just starting out on my bday last month July 9, just like nung time na walang wala pa ako.. pero nandiyan yung mga taong mahal ako kahit butas butas ang shorts.. at murang sapatos at tsinelas lang kaya kong bilihin. Ngayon.. mas dumami pa ang nagmamahal saakin kahit ganito mga trip ko.. kayo na mag caption each photo HAHAHAHAHA!!!" dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/15/kanto-birthday-party-ni-donnalyn-pinakasimple-pinakamasaya-niyang-b-day-celebration/

Narito ang ilan sa mga negatibong reaksyon ng mga netizen hinggil sa kaniyang birthday party:

"donnalyn: i’ll give you nothing kasi birthday ko. —poverty isn’t an aesthetic, girl."

"from sexualizing infants birthday 'theme' to poverty porn donnalyn kaya pa ba today"

"donnalyn never learned imagine doing a poor-themed birthday party"

"di ka ba natuto, donnalyn? people are dying"

"@DJBDonna from sexualizing infants birthday photoshoot to this poverty porn themed birthday party, how problematic can you be?"

"Donnalyn anuna? You should hire someone with in-depth knowledge of society, Cancer ka naman pero you're not sensitive enough sa mga ginagawa mo. Ate masyado ka nang clouded ng clout chasing mo"

"poverty porn is not the birthday theme you think it is mx donnalyn"

"donnalyn try mo 'to i-content yung STOP BEING PROBLEMATIC CHALLENGE"

"poverty daw po ang theme ng kaniyang bday ;) the tutong cake tops it all off rich ppl think that it’s okay to do this when it clearly is not. Donnalyn, go touch some grass and think twice before u do something pls"

"How hard is it for Donnalyn Bartolome to just have a normal birthday party and go?"

"Was about to sleep but saw this. @DJBDonna pick a struggle please lang. Nung una ch1ld p0rn, ngayon naman poverty p0rn?? Kaloka ka."

"The question is "kinain ba nila ang rice o tinapon? ✓Character undevelopment ✓ Never learn a lesson ✓ Problematic Donnalyn BarToloMegUtak!"

"Jusko Donnalyn anyare na sa'yo? Mas naging problematic ka na ngayon. From baby photoshoot to kanto birthday party? Jusko ano yan MAÑANITA NI SINAS?"

"Donnalyn never learns"

"Si miss donnalyn bartolome di na natuto no? Pero infairness ha, maganda yung kanta nya na OMO."

"Ako lang ba o ginawang hobby na ni Donnalyn Bartolome yung pagiging problematic? Poverty is not a theme buddy"