Kinumpirma mismo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista nitong Lunes, Agosto 15, na target nilang makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway, ngayong nakatakda nang magbalik ang face-to-face classes sa bansa.

Sa panayam sa isang news channel, sinabi ni Bautista na kamakailan lamang ay nagbukas na sila ng dalawang busway stations sa Roxas Boulevard at Macapagal Avenue.

Naghahanap pa aniya sila ng iba pang lugar na maaaring paglagyan ng mga bus stops.

Samantala, iniulat rin ni Bautista na sa ngayon ay mayroon nang halos 400 bus units ang bumibiyahe sa EDSA Busway.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakipagpulong na rin aniya sila sa consortium na nag-o-operate ng EDSA Carousel at hiniling sa mga ito na mag-deploy pa ng karagdagang bus, lalo na sa pagbubukas na ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Matatandaang ang EDSA Busway ay programa ng DOTr, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ngayon ay mayroon itong 17 operational stations kung saan sila pinapayagang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Patuloy pa ring nagkakaloob ang EDSA Carousel ng libreng sakay para sa mga commuters, na inaasahang magpapatuloy hanggang sa Disyembre 31, 2022, alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..