Sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon laban sa kaniya ng dating asawang model-beauty queen na si Maggie Wilson, tila "dedma" lamang at hindi ito alintana ng negosyanteng si Victor Consunji.

Bandang Agosto 8, sa serye ng Instagram stories ay hindi nagpatumpik-tumpik si Maggie at kinaladkad sa madlang netizen ang umano’y ‘kabit’ ng dating asawang si Victor, kalakip ang ilang aniya’y ebidensiyang magpapatunay sa mabigat na akusasyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/maggie-wilson-kinaladkad-ang-umanoy-kabit-ng-nooy-asawang-si-victor-consunji/">https://balita.net.ph/2022/08/08/maggie-wilson-kinaladkad-ang-umanoy-kabit-ng-nooy-asawang-si-victor-consunji/

"Triggered" si Maggie dahil sa naranasang pagpapaalis sa kaniya ng mga umano'y tauhan ng dating mister sa tinutuluyan niya ngayon.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidente/">https://balita.net.ph/2022/07/16/mga-abogado-ni-maggie-wilson-naglabas-ng-pahayag-tungkol-sa-nangyaring-insidente/

Nakaamba rin ang kasong adultery na balak umanong isampa sa kaniya ni Victor, at sa third party raw na si Tim Connor.

Sa kaniyang latest Instagram story, nag-post si Victor ng larawan ng cute na sandman sa dalampasigan. Makikita naman sa background na tila papalubog na ang araw sa Kanluran.

Gumamit naman siya ng hashtags na "#LivingMyBestLife", "#RestingBeachFace", at "#iykyk" o internet slang na "If you know you know".

Victor Consunji
Screengrab mula sa IG/Victor Consunji

Samantala, ayon sa mga cryptic socmed posts ni Maggie ay marami pa siyang ilalabas na rebelasyon patungkol sa kaniyang dating mister.