Ibinida ng pet breeder mula San Manuel, Pangasinan ang kaniyang mga collection items na nagtatampok sa sikat na Disney character na si Stitch.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Edrian Jango Soliven Balmediano, 29 anyos, nagsimula siyang magka-interes na mangolekta ng Stitch-themed stuffed toys, damit, footwear, kobrekama, keychains, photo frames, headdress, at kung ano-ano pa, noong Agosto 2018.

"Nakapanood kasi ako ng live selling. Tapos, nagkasunud-sunod na nakapag-mine ako sa iba't ibang seller hanggang sa dumami na. Ang ganda nila sa mata, ang sarap nilang tingnan kasi ang daming variety at hitsura. Kapag magkakasama sila ang ganda-gandang tingnan, ang cute, ang iba ang flappy, ang iba huggable.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mga larawan mula kay Edrian Jango Soliven Balmediano

Bakit nga ba si Stitch ang napili niyang kolektahin?

"Blue po kasi ang favorite color ko po, sakto po si Stitch color blue po siya then ang ganda kasi ng story, very Filipino, napaka family-oriented din po," aniya.

Sa kaniyang tantiya ay umabot na sa ₱1M ang kaniyang nagagastos sa kaniyang pangongolekta. Worth it naman daw dahil nagdadala ito sa kaniya ng kakaibang saya, sigla, at inspirasyon.

"Paiba-iba po kasi ang presyo eh kasi bawat sizes, colors, hitsura, saan nanggaling, sino nag-manufacture, sinong cousin, gaano ka-rare or limited edition at hard to find na item," sey niya.

"Every morning pag gising para kang nasa heaven kapag galing naman po work nakakawala po siya ng stress."

Effort talaga si Edrian sa kaniyang koleksiyon dahil karamihan sa mga ito ay binili pa niya sa ibang bansa, gaya sa Indonesia, Thailand, Japan, at United Kingdom.

Mga larawan mula kay Edrian Jango Soliven Balmediano via ABS-CBN News

Wala raw makapipigil kay Edrian sa kaniyang pangongolekta, maliban sa isang bagay.

"Kung mawala man ako sa mundo, baka 'yun po yung turning point na titigil na ako sa pagko-collect," aniya.