Itinanggi ng isang grupo ng hair braiders sa isla ng boracay na overpriced umano ang singil na P16,000 para sa hair braid ng isang banyagang turista.

Ayon kasi sa report, siningil umano ang turista ng P16,000 matapos tirintasin ang buhok ng anak nito.

Agad namang naging mainit na usap-usapan ito sa social media matapos mag-report ang manager ng isang hotel ukol nga sa aniya'y "overpriced" na singil.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community,” anang manager.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon kay Jomar alyas "Mara," lider ng hair braiders sa isla na miyembro ng Malay Boracay vendors, Peddlers, Masseurs, Manicurist and Hair Braiders Association, Inc. (MABOVEN), bago pa lang umpishan ang pagtitirintas ay nakipag-usap umano ito sa magulang ng turista, at ayon sa magulang ay handa naman daw silang magbayad basta maganda ang gagawing design.

Aminado naman si Mara na umabot sa 16,000 ang singil sa turista dahil ang bawat linya ng buhok ay may iba't-iba umanong kulay at ang halaga nito ay umaabot sa P50-P100 kada isang linya.

"Actually sir, bago po umupo 'yon sir, na-verify ko nang maayos 'yan sir. Nabigyan po natin ng prices po 'yan sir kung bakit umabot po ng P16K ang binayaran nila," ani Mara sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Kalibo.

Giit pa ni Mara, may tariff price silang sinusunod kaya imposibleng maging overpriced ang singil sa tirintas na ginawa.

Dagdag pa niya, ang design na napili ng turista ay all hair with color.

"One thousang for the whole hair. Tapos do'n sa color sir maraming nagku-kuwestiyon kung bakit gano'n ang halaga na naabot. Kasi every line po 'yong braid natin is may charging po tayo, either po P50 or P100 po each line po ang singilan diyan," pagpapaliwanag ni Mara hinggil sa naging breakdown kung bakit pumalo sa P16K ang singil.

Sinabi pa ni Mara na wala naman daw naging problema ang ama ng batang nagpatirintas basta masama ang anak nito ay magiging masaya na rin ito.