Nagpahayag ng pagkadismaya ang Jameo Mindanao Al Islamie JMI o Marawi Grand Mosque kay Senador Robinhood Padilla matapos ihain nito ang panukalang Civil Unions Act o Senate Bill No. 449, na nagbibigay ng pantay na karapatan at pagkilala para sa same-sex couples sa Pilipinas.

BASAHIN: Sen. Robin Padilla, naghain ng batas hinggil sa same-sex union sa bansa

Sa isang pahayag, sinabi ni Alim Abdulmajeed Djamla, Grand Imam o prayer leader ng nasabing mosque na ikinalulungkot niya ipaalam sa lahat ng Muslim sa pangkalahatan at sa mga Muslim sa Pilipinas siya at ang mga sumusunod sa kanya ay nagbitaw na ng kanilang suporta kay Padilla.

Dagdag pa dito, mariin din nilang kinokondena ang pag-sponsor ni Padilla sa Same-Sex Marriage Bill sa Senado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Larawan: Jameo Mindanao Marawi/FB

"In my Authority as Grand Imam of the Jameo Mindanao Al Islamie JMI [Marawi Grand Mosque]. I regret to inform all Muslims in general and the Muslims in the Philippines that I and those who follow me have withdrawn our support for Senator Robin Padilla and strongly condemn his sponsorship of Same-Sex Marriage Bill in the Senate," bahagi ng pahayag ng pagkondena ni Djamla.

Kung titignan kasi ang kultura ng mga Muslim, maituturing na "haram" o ipinagbabawal ang kasal ng may parehong kasarian. Ito ay batay sa doktrina at itinuturing na imoral ng lahat ng relihiyon, sa ilalim ng batas ng Islam.

Ayon pa sa pahayag, sinuman ang gumawa ng ganoong gawain mula sa mga Muslim ay katumbas ng hindi paniniwala (kufr), na nasa labas ng kredo ng Islam.

Matatandaan na dating isang Jehovah's Witness si Padilla at nagbalik-loob sa Islam. Siya ay tinanggap at binigyan ng pangalang Abdul Aziz, at pinakasalan ang kanyang unang asawa na si Liezl Sicangco sa isang seremonyang Muslim habang siya ay naglilingkod pa sa kanyang sentensiya sa bilangguan noong 1998.