Nilinaw mismo ni “Maid in Malacanang” star Ruffa Gutierrez na friends sila ng kapwa “Miss Q&A” hurado na si KaladKaren matapos pagsabungin ng netizens ang kanilang magkaibang komento noong Miyerkules.

Sa pagbabalik hurado nina Ruffa at KaladKaren nitong Huwebes, inimbatahan ng “Drag Race Philippines” host si Ruffa para sa premiere event nito sa Agosto 16.

“Invite me. Baka akala nila magkaaway tayo. They don’t know we’re friends,” tugon ni Ruffa sa imbitasyon ni KaladKaren.

Singit na hirit ni Meme Vice, siguradong may pa-lechon ang event kapag imbitado si Ruffa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Padala ni mommy,” saad ni Ruffa sa pagtukoy sa celebrity mom at talenr manager na si Anabelle Rama.

Sunod namang napuri ni Kaladkaren ang suot na pink suit ni Ruffa na aksidenteng natugunan ng isang malutong na “Gaga” habang nakaere ang “It’s Showtime.”

“Grabe ka pink is my favorite color dati pa,” nagpapatuloy namang sabi ni Ruffa habang hindi namamalayan ang nasambit na salita.

Palusot agad ni Meme at Jhong, “De kasi, si Lady Gaga ang paborito ni Kaladkaren.”

Sunod na naungkat naman ang pag-trend nina Ruffa at Kaladkaren dahil sa magkaibang komento sa Beklamation round ng “Miss Q&A” habang patuloy na hindi pa napapansin ni Ruffa ang binitawang salita.

Basahin: Kaladkaren, pinalagan ang pa-unity ni Ruffa Gutierrez sa ‘It’s Showtime?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Hoy, wala akong alam sa mga nangyayari. May date ako last night ‘til 1:00 am. I only found out this morning na may ganap na pala,” komento ni Ruffa sa trending na paghahambing sa kanila ni Kaladkaren sa social media.

Hindi naman pinaglabas ni Meme na humingi ng paumanhin sa manunuod dahil sa nabitawang salita ni Ruffa.

“Nag-aapologize po kami dun sa nabitawang word ni Ruffa Gutierrez, masyado lang siyang happy. Mag-sorry ka na rin Ruffa,” ani Vice.

“Why? Bawal ba ‘yun? Oh I’m so sorry. I didn’t know. I’m so sorry,” sabi na lang ni Ruffa na nauwi sa tawanan ng mga hosts.

“Tama na, Ruffa,” pagtatapos ni Meme V.