Nais ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mag-resign na ang mga miyembro ng Sugar Regulatory Board (SRB) matapos ang alegasyon tungkol sa ilegal na pag-import ng 300,000 metric tons (MTs) ng asukal.

Sinabi ni Zubiri na si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian ang SRB chairman habang ang dalawang miyembro nito ay mula sa planters at millers sector.

Matatandaan na nagresign na si Sebastian ngayong Sabado.

"Turuan sila ng leksyon" ani Zubiri sa kaniyang panayam sa DWIZ radio.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang ikinagalit umano ni Zubiri ay dahil naglabas kamakailan ang SRB ng import order para sa 300,000 MTs ng asukal bagama't nauna itong nag-import ng 200,000 MTs noong milling season.

Sabi rin ng senate president na nag-isyu ng import order number 3 ang SRB na nagsasabing wala nang stock ng asukal.

Ayon pa sa kaniya, mayroon pa ring 127,000 MTs sa mga bodega at ang pag-angkat ay labas sa Negros Regional Trial Court (RTC) Temporary Restraining Order (TRO) ngunit "ang ginawa nila tinuloy pa rin."

Samantala, sinabi ni Zubiri na masaya siyang nag-resign na si Sebastian.

"‘But my question is bakit 'di pa nagbibigay ng resignation ang mga members ng SRA (Sugar Regulatory Authority). Ano nangyari sa SRA yung administration yun ang nagkumbinsi kay Usec Sebastian na pumirma?" aniya.

‘’Cases should be file against them. Ipinahamak nila si Pangulong Marcos. Walanghiya sila dapat magresign na sila at kasuhan turuan ng leksyon," dagdag pa niya.

Nakatakdang magsagawa ng privilege speech si Zubiri sa Lunes, Agosto 15, upang tuligsain ang ilegal na kautusan ng SRA.

Mario Casayuran