Niyanig ng magnitude 5.8 ang South Upi, Maguindanao bandang 2:25 pm ngayong Sabado, Agosto 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang epicenter ng lindol sa 11 kilometro hilagang kanluran ng South Upi, Maguindanao.
Sa datos ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity V sa Cotabato City, Intensity IV sa General Santos City, at Intensity II sa Davao City at Kidapawan City.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Zamboanga City
Intensity II - Kidapawan City
Intensity I - Davao City
Samantala, sinabi rin ng Phivolcs walang inaasahan na pinsala sa nangyaring lindol ngunit asahan ang mga aftershocks.