Sa serye ng mga larawan sa Instagram kalakip ang “short but sweet” message inalala ni Kapamilya actress Lovi Poe ang kaarawan ng British boyfriend na si Dr. Montgomery Blencowe.

“There's not many people. I'd honestly say, 'I don't mind losing to.' On our first date, I knew. Happy birthday, my love @montyblencowe! 😘” mababasa sa IG post ni Lovi.

View this post on Instagram

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

'Angel Locsin' nagpasalamat sa mga nakaka-miss na sa kaniya

Sa kaniyang Instagram stories, ibinida rin ng aktres ang ilang larawan at short clips kasama si Monty.

Lovie Poe/via IG stories

Lovie Poe/via IG stories

Ilang kaibigang celebrity din ang nagpaabot din ng pagbati sa dyowa ng aktres kabilang na sina Denise Laurel, Benjamin Alvez at Janine Gutierrez.

“Happy birthday, @montyblencowe!!!! I hope to see you guys soon!!!” komento ni Janine.

Ang British boyfriend ng aktres na ilang beses nang iflinex ni Lovie sa Instagram ay isang matagumpay na Hollywood filmmaker, producer at scientist pa sa University of California, base sa ilang filmmaking credits at sa kaniyang Instagram profile, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Basahin: Nagselos? Lampungan nina Piolo Pascual at Lovi Poe sa Instagram, sinita ng dyowa ng aktres – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid