"Akin ang Pilipinas. Ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas!"

Trending topic ngayon sa Twitter ang "Bagong Pilipinas" dahil usap-usapan ang mga binitiwang linya ni Renato "Buwitre" Hipolito na ginagampanan ng batikang aktor na si John Arcilla sa teleseryeng "FPJ's: Ang Probinsyano."

Sa pagtatapos ng naturang teleserye, namatay ang kontrabidang si Renato Hipolito nang pagbabarilin siya ng pangulong si Oscar Hidalgo na ginagampanan ni Rowell Santiago.

Bago tuluyang mamatay si Hipolito, nag-iwan ito na tila matalas na linyahan na pumukaw sa mga netizen.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Akin ang Pilipinas. Ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas!" saad nito.

Naging usap-usapan umano ito dahil ang mga salitang "bagong Pilipinas" ay madalas marinig noong kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte. Lalo pa noong gumawa si Andrew E. ng campaign jingle para sa dalawang mataas na opisyal.

Narito ang ilan sa mga tweets ng mga netizen kaugnay sa eksena ng teleserye:

"Iconic closing message of John Arcila's character Hipolito "Ako ang pangulo ng Bagong Pilipinas" (Walang bagong pilipinas, hindi nagwawagi ang sino mang nagtatangka)"

"From 'Bayan o Sarili mamili ka?' to 'Ako ang pangulo ng bagong Pilipinas' A great actor indeed."

"His Bagong Pilipinas, Bagong Mukha: Turning the Philippines into something like what the Taliban has done to Afghanistan."

"Akin ang Pilipinas. Ako ang Pangulo ng bagong Pilipinas. - Renato Hipolito The John Arcilla ladies and gentlemen."

"Renato Hipolito’s last word : “Akin ang Bagong Pilipinas”. Ang mga kotrabida talaga yan ang laging sinasabi."

"Sabi ni Hipolitong nakasuot ng berde, at namumula ang bibig sa dugo. "Ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas!" I know what you did there, FPJ's Ang Probinsyano..."

"“Ako ang Presidente ng Bagong Pilipinas” JUSKO #FPJAP7MissionAccomplished LANG ANG MAKAKAGAWA NG GANON KATAPANG NA LINYAHAN! Team Bagong Pilipinas aka Team Renato, kaway kaway!"

"OH MY GOD THE SHADE IN THIS LAST EP OF ANG PROBINSYANO!!!!!! “Tumindig kayo!” “Ako ang Presidente ng Bagong Pilipinas!”"

"So much symbolism sa Ang Probinsyano. Si Cardo na simbolo ng pagbabago, pinatay ng taong nagsabi ng "Akin ang Bagong Pilipinas" True to life"

"TW: Blood/Death Ang powerful ng script niya bago mamatay!! "Akin ang Pilipinas. Ako ang pangulo ng bagong Pilipinas" grabeee! pero deserve mo yan!!!"

"Pero seryoso, ang tapang ng FPJAP para ipalabas yung scene ni Hipolito bago siya mamatay. ‘Ako ang Pangulo ng bagong Pilipinas’ if you know, you know."

"cant move on sa "tumindig kayo para sa pilipinas" ni general oligario and "ako ang pangulo ng bagong pilipinas" ni hipolito. grabe the shade!!! sobrang ganda ng lines, very timelyyyy"

""Ako ang pangulo ng bagong Pilipinas" god, the references. Great job sa writer ng Ang Probinsyano!"

"There’s a poetic justice when John Arcilla’s character said “Akin ang Pilipinas. Ako ang pangulo ng bagong Pilipinas” then he died a gruesome death. Would there be a poetic justice to those politicians who think that they own the country, too?"

"Ang Probinsyano have always been "re-imagining" of the current state of our country. Angel Aquino's lines reminds me of someone specific that has been our beacon of hope. And that line of "Bagong Pilipinas" from John Arcilla... VERY TIMELY."

"I dunno but this is so fcking powerful "ako ang pangulo ng bagong Pilipinas" and the fact that he is killed by the President!!!"

"Despite the fact that I detest the ending, I do wanna commend John Arcilla for his masterful delivery of his final phrase as Hipolito while regurgitating blood: "Akin ang Pilipinas. Ako ang Presidente ng Bagong Pilipinas”"

"“akin ang pilipinas, ako ang pangulo ng bagong pilipinas” this is a representation of “thirst in power” to do what he wanted with the countrymen. he's the kind of a politician who will only make the country suffer from a criminal's filthy hands."

"The most exciting part was Hipolito’s powerful line before his death saying “Akin ang Pilipinas. Ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas.” I just noticed his shirt color Green while bleeding, bloody Red. Omggg THE SHADEEE ang tapang ng FPJAP!"

"Ang funny lang na the only episode of FPJs ang Probinsyano that I watched is the finale, kasi feeling ko they'll do something historically and politically symbolic. And they did not disappoint. The "Ako ang Presidente ng Bagong Pilipinas" and then death was *chef's kiss*"

"Akin ang Pilipinas. Ako ang pangulo ng bagong Pilipinas," a very timely and powerful line uttered by @JohnArcilla. And is it coincidence that he was wearing 'green' while 'bleeding'? Surely, they assure that the last episode will be historic and politically symbolic."

"The mere fact that Sir John Arcilla did justice to a role of a really detested villain/politician that only wants power and self-glory, I can't be more than satisfied with his ending. Add to that the shady line "Ako ang pangulo ng Bagong Pilipinas" is so relevant. 1000/10!"

Samantala, habang isinusulat ito umabot na sa 2,689 tweets ang "Bagong Pilipinas." Kasabay din nito magtrending ang "Hipolito" at hashtag #FPJAP7MissionAccomplished.