Mukhang nakarating na sa kaalaman ni GMA Network headwriter at creative consultant Suzette Doctolero ang naging reaksiyon at tugon ni Atty. Vince Tañada sa naging review niya tungkol sa pelikula, na naka-post sa kaniyang Facebook account noong Agosto 5.
Ayon kay Doctolero, hindi niya natapos ang panonood ng Katips at umalis kaagad sa loob ng sinehan.
"One hour and 10 minutes lang pinanood ko. Sorry hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nagsal*** na hindi yata nilabasan," ayon sa manunulat.
Pahayag ng award-winning director, "Nakakalungkot lang na sa babae pa nanggaling ‘yong ganiyang mga salita. Yun na nga, kaya siguro ‘di ka nilabasan kasi ‘di mo tinapos yung palabas,” ani Tañada sa isang shared post.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/12/vince-tanada-nalungkot-sa-mga-piniling-salita-sa-katips-review-ni-suzette-doctolero/">https://balita.net.ph/2022/08/12/vince-tanada-nalungkot-sa-mga-piniling-salita-sa-katips-review-ni-suzette-doctolero/
Gayunman, nagpasalamat pa rin ang direktor sa GMA headwriter sa pagbili pa rin nito ng ticket habang nagpasaring na napatunayan nitong “binibili at hindi pamigay ang ticket” ng Katips.
Maging ang Best Supporting Actor ng 70th FAMAS na si Johnrey Rivas ay tila nagpatutsada rin kay Doctolero.
Ibinahagi ni Rivas ang isang pubmat na naglalaman ng naging pahayag ni Doctolero.
"Dapat kasi yung kuwento kabit-kabitan ng asawa, nagbabarilan ng water gun o nagse-surfing sa likod ng buwaya para di confusing."
Umani naman ito ng iba't iba ring reaksiyon at saloobin mula sa mga netizen.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/best-supporting-actor-ng-katips-na-si-johnrey-rivas-pinasaringan-si-suzette-doctolero/">https://balita.net.ph/2022/08/13/best-supporting-actor-ng-katips-na-si-johnrey-rivas-pinasaringan-si-suzette-doctolero/
Nitong Biyernes, Agosto 12, ay inilatag naman ng GMA headwriter ang kaniyang pansariling karanasan at saloobin tungkol sa pagkakaroon ng bad reviews mula sa mga kritiko.
"Many many years ago, noong nagsisimula pa lang ako, may isang kilalang critic na nagbigay ng bad review sa isa sa mga unang soap na nagawa ko. I think nasa ibang company pa ako noon. Hindi pa rin ako headwriter at writer pa lang.
Masakit syempre lalo’t medyo harsh ang nabasa ko."
"Pero sa halip na umiyak, at sumama ang loob, o nagalit—- tinanggap ko ang mga sinabi niya. Tinatagan ko ang loob at tahimik na tiniis ang sakit. Nagpursige rin ako at pinag-aralan talaga ang pagsusulat sa TV. Araw-araw akong nagpa-practice, lahat ng projects ay tinatanggap ko para mahasa."
"At ngayon ay umabot ako ng 26 yrs na yata sa industriya na ito. Hindi ko pa rin tinitignan ang sarili ko na bihasa na sa pagsusulat at hanggang ngayon ay inaaral ko pa rin ito."
"Nakita ko kasi ang clippings ng bad review habang naglilinis ako ng mesa, itinago ko to remind myself na dapat ‘di tumitigil sa pag-aaral. At dapat ‘di rin weak at iyakin."
"Nakakalasing ang mga papuri, pero nakaka humble at natututo ka sa criticisms. Have a great night, everyone! Sweet dreams!" aniya.
Kalakip ng FB post ang isang quote card mula sa isang website, kung saan mababasa ang pahayag ni "Heidi Julavits", isang manunulat na Amerikano, tungkol sa pagkakaroon ng bad reviews.