Matapos magbigay ng kaniyang reaksiyon ang director-writer-producer ng 'Katips' na si Atty. Vince Tañada sa naging pahayag ng manunulat ng GMA Network na si Suzette Doctolero tungkol sa pelikula, tila may patutsada naman ang Best Supporting Actor nito na si Johnrey Rivas.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/12/vince-tanada-nalungkot-sa-mga-piniling-salita-sa-katips-review-ni-suzette-doctolero/">https://balita.net.ph/2022/08/12/vince-tanada-nalungkot-sa-mga-piniling-salita-sa-katips-review-ni-suzette-doctolero/
Si Rivas ang Best Supporting Actor ng 70th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS para sa pelikulang Katips. Anim na parangal pa ang nasungkit nito kabilang ang Best Picture. Ibinahagi ni Rivas ang isang pubmat na naglalaman ng naging pahayag ni Doctolero nang tangkain niyang panoorin ang pelikula noong Agosto 5.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/">https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/
"One hour and 10 minutes lang pinanood ko. Sorry hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nagsal*** na hindi yata nilabasan," ayon sa manunulat.
Pasaring naman ni Rivas, "Dapat kasi yung kuwento kabit-kabitan ng asawa, nagbabarilan ng water gun o nagse-surfing sa likod ng buwaya para di confusing."
Umani naman ito ng iba't iba ring reaksiyon at saloobin mula sa mga netizen.
"Hindi siguro naka-relate? Well, what can we expect from people with the same mindset as hers."
"Okay na 'yun basta wag about sa pagwewelga yung kuwento…"
"Knowing her, kaloka…"
"Panay rally na nga ganap sa bansa, pati sa movie pagwewelga pa rin panonoorin…. di kayo nagsasawa?"
"I like Suzette. But this time. I won't agree sa opinion niya. HINDI SiYA NILABASAN KASI JUTS PART LANG NG STORY PINANOOD NIYA".
"Just so you know Mr. JOHNREY RIVAS check your facts bago ka mag-rant haha Lolong is not from Madam Suzette Severo Doctolero haha FYI lang po haha magbasa ka naman po nakakahiya sa tunay na lumikha haha at accept the opinion of others sir if 'yan ang nakita sa movie let them speak… Freedom of speech tawag diyan…. Do not put the blame sa GMA series lol lalo wala ka pala alam shame on you."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Doctolero tungkol dito, bagama't nag-post siya sa Facebook tungkol sa pagkakaroon ng "bad reviews".
"Many many years ago, noong nagsisimula pa lang ako, may isang kilalang critic na nagbigay ng bad review sa isa sa mga unang soap na nagawa ko. I think nasa ibang company pa ako noon. Hindi pa rin ako headwriter at writer pa lang," ani Doctolero noong Biyernes, Agosto 12.
"Masakit syempre lalo’t medyo harsh ang nabasa ko. Pero sa halip na umiyak, at sumama ang loob, o nagalit—- tinanggap ko ang mga sinabi niya. Tinatagan ko ang loob at tahimik na tiniis ang sakit. Nagpursige rin ako at pinag-aralan talaga ang pagsusulat sa tV. Araw-araw akong nagpa-practice, lahat ng projects ay tinatanggap ko para mahasa."
"At ngayon ay umabot ako ng 26 yrs na yata sa industriya na ito. Hindi ko pa rin tinitignan ang sarili ko na bihasa na sa pagsusulat at hanggang ngayon ay inaaral ko pa rin ito."
"Nakita ko kasi ang clippings nung bad review habang naglilinis ako ng mesa, itinago ko to remind myself na dapat ‘di tumitigil sa pag aaral. At dapat ‘di rin weak at iyakin. Nakakalasing ang mga papuri, pero nakaka-humble at natututo ka sa criticisms. Have a great night, everyone! Sweet dreams!"