Nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Zamboanga sa publiko na bantayan nang husto ang mga alagang baboy dahil na rin sa patuloy na paglaganap ng African swine fever (ASF).

Inilabas ni Office of the City Veterinarian (OCVet) chief, Dr. Mario Arriola ang apela dahil nananatili pa rin sa red (infected) zone classification ng sakit ang lungsod batay na rin sa pagbabantay ng Department of Agriculture (DA).

Pinayuhan ni Arriola ang publiko na kaagad na iulat sa Office of the City Veterinarian sakaling tamaan ng sakit o nangamatay ang kanilang baboy.

Umakyat na aniya sa 27 ang barangay na tinamaan ng sakit kung saan umabot na sa 799 na baboy ang naapektuhan nito.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa datos ng OCVet, nasa 2,977 na ang naapektuhan ng sakit habang 872 na ang pinatay sa nakaraang pitong araw.

Ang mga barangay na naapektuhan ng ASF ay kinabibilangan ngTumaga, San Roque, Manicahan, Curuan, Vitali, Ayala, at Culianan.

PNA