Matapos gamitan ng umano’y maselang paghahambing ni GMA creative consultant Suzette Doctolero ang ukol sa pagkalito raw ni Vince Tañada sa paggawa nito ng pelikulang “Katips,” nagpaabot ng tugon ang abogadong direktor sa TV writer, Biyernes.

Sa naunang public post ni Doctolero, nabanggit ng batikang manunulat kamakailan ang tungkol sa pelikula ni Tañada.

Basahin: Suzette Doctolero, maganda ang review sa MiM; nilayasan ang Katips? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sorry, hindi ko na talaga kinaya kasi confused yata ang filmmaker kung ano ang gusto niyang ipakita dito sa movie kaya parang nags*ls*l na hindi yata nilabasan. So ‘di ko alam kung gumanda ba nung second half? O confused pa rin. Haha. Panoorin n’yo pa rin at kayo ang maghusga,” ani Doctolero habang aminado itong hindi niya tinapos ang pelikula.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nakarating naman ito kay Tañada na kaniyang tinugunan ng isang pahayag.

“Nakakalungkot lang na sa babae pa nanggaling ‘yong ganyang mga salita. Yun na nga, kaya siguro ‘di ka nilabasan kasi ‘di mo tinapos yung palabas,” ani Tañada sa isang shared post.

Nagpasalamat gayunpaman, ang direktor sa GMA headwriter sa pagbili pa rin nito ng ticket habang nagpasaring na napatunayan nitong “binibili at hindi pamigay ang ticket” ng “Katips.”

Nauna nang ipinagtanggol ni Doctolero ang paratang sa kontrobersyal na “Maid in Malacañang” kaugnay ng historical distortion.

Aniya pa, ang “Katips,” sa katunayan, ang “mas maraming ginawang distortion.”

Matatandaang kontrobersyal ang dalawang pelikula matapos batikusin ng ilang historyador ang ilang account ni Darryl Yap sa MIM at matapos tapatan ng “Katips” ang umano’y naratibo ng pamilyang Marcos ukol sa naganap na martial law noong dekada '70.