Bumiyahe na patungong Korea si dating Ateneo Blue Eagles point guard SJ Belangel upang sumabak sa Korean Basketball League (KBL) kung saan siya maglalaro bilang Asian import.

Si Belangel ay unang Pinoy na maglalaro sa nasabing liga at maglalaro ito sa Daegu KOGAS Pegasus.

Hindi na tatapusin ni Belangel ang paglalaro nito sa dalawang natitirang season sa Ateneo kasunod nang pagpirma ng kontrata sa Daegu KOGAS nitong Hunyo.

"Sobrang excited ko," sabi ni Belangel sa mga mamamahayag na nag-abang sa kanya sa JG4 Manila Tour sa Ayala Malls Manila Bay nitong Huwebes.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

"It's my first time, especiallysa mgacloseteam mates ko," paliwanag nito kaugnay ng paglayo nito sa kanyang dating koponan.

"Sinasabi ko,nagkukwentuhankami niAnge Kouamena it's my first time talaga na hindi ko siya makasama after a long time. Parang nakaiiyak, pero at the same time we just have to grow and update each other.So ganoon pa rin, masaya. Excited na ako makalaro sa Korea," banggit ni Belangel.

Aminado rin si Belangel na mangangapapa muna ito sa pagpasok niya sa Daegu KOGAS na mayroong kartadang 27-27, panalo-talo sa nakaraang season.

Nakatakdang simulan ang pagbubukas ng 2022-2033 season ng KBL sa Oktubre 2022.

Matapos pumasok sa KBL si Belangel, sunud-sunod na ang naging pagpasok ng mga Pinoy player sa liga.

Kabilang sa mga ito ay sinaRJ Abarrientos (Ulsan Hyundai), Justin Gutang (Changwon LG), Rhenz Abando (Anyang KGC) at William Navarro na dating team mate nito na maglalaro naman sa Seoul Samsung.