Pinatutsadahan ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga umano'y negatibong komento sa kaniya ng mga netizen tungkol sa pananamit niya. 

Sa isang Facebook post noong Agosto 10, inupload ng aktres ang kaniyang larawan at ang dalawang screenshot ng komento ng mga netizen.

Ayon sa kaniya, hindi niya hahayaan ang sinuman na baguhin kung sino talaga siya.

"Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin," sey ni Sunshine.

National

OLALIA-KMU, iginiit karapatan ng mga manggagawa na makapag-unyon

"Sa mga kababaihan at kalalakihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am. I love dressing up, I love wearing my own creations na crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page," dagdag pa niya.

Kinahihiligan ngayon ni Sunshine ang gumawa ng mga crochet top na isinusuot din ng mga anak niya.

Gayunman, tila binigyan niya ng advice ang mga followers niya na nabobother sa kaniyang pananamit.

"If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow po for your own peace of mind."