CAMP OLIVAS, San Fernando City, Pampanga – Isang 64-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong anim na bilang ng panggagahasa ang inaresto ng mga awtoridad sa Masinloc Zambales, Huwebes.

Sa ulat mula sa Police Regional Office 3( PRO3 ) sinabing nagsagawa ng manhunt operation ang mga elemento ng Masinloc Police kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company at PNP-MARITIME Iba Zambales sa Brgy. Inhobol, Masinloc, Zambales na nagresulta sa pagkakaaresto kay Inocencio Acosta .

Nakalista ang akusado bilang isa sa most wanted persons sa Masinloc Zambales.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa anim na bilang ng Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 14231-2022-I hanggang 14236-2022-I na inisyu at nilagdaan ni Hon. Maribel F. Mariano-Beltran Judge ng Regional Trial Court BR.13FC, Iba Zambales na walang inirekomendang piyansa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng bagong luklok na PRO3 Regional Director na si Police Brigadier General Cesar Pasiwen na ipagpapatuloy ng PNP-PRO3 ang pinaigting na operasyon nito para mapanagot at arestuhin ang sinumang tinutugis ng batas para sa mas ligtas at payapang publiko.