Simula Agosto 15, ipatutupad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang bagong number coding scheme sa Metro Manila.
Ito ay bahagi ng paghahanda ng gobyerno para sa pagbubukas ng face-to-face classes sa Agosto 22.Sa resolusyon ng MMDA, binanggit na ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ay ipaiiral sa National Capital Region (NCR) simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi kada weekdays, maliban na lamang sa holiday.
"Under the scheme, vehicles with license plates ending in 1 and 2 are prohibited on Monday, 3 and 4 on Tuesday, 5 and 6 on Wednesday, 7 and 8 on Thursday, 9 and 0 on Friday during the said hours," ayon kay Acting MMDA Chairman Carlo Dimayuga sa panayam sa telebisyon.
"Exempted from the UVVRP are public utility vehicles (including tricycles), transport network vehicle services, motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, marked government vehicles, fire trucks, ambulances, marked media vehicles, and motor vehicles carrying essential and/or perishable goods," anito.
Inaasahang mababawasan nito ng 20 porsyento ang traffic volume sa Metro Manila pagsapit ng peak hours.
Nauna nang inihayag ng MMDA, na aabot sa 400,000 motorista ang dumadaan sa EDSA kada araw bago pa man magsimula ang pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa.