Inaasahang darating sa bansa si 7'2" center Kai Sotto sa Agosto 18 habang sa Agosto 19 naman ang pagdating ni NBA player Jordan Clarkson.

Ito ang isinapubliko niSamahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) spokesperson Sonny Barrios sa mga mamamahayag.

Paglilinaw ni Barrios, dadalo sina Sotto at Clarkson sa ensayo ng Gilas Pilipinas para sa paghahanda sa sasabakang fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers.

"Mauuna si Sotto on the 18th while Clarkson will be on the 19th," ayon kay Barrios.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Lilipad naman ang Gilas Pilipinas patungong Beirut sa Agosto 21 kung saan makakasagupanila ang Lebanon sa Agosto 25 (Agosto 26 sa Pilipinas) at Saudi Arabia sa Agosto 29.

Nauna nang naiulat na kukunin ng SBP ang serbisyo nina Ginebra players Japeth Aguilar at Scotie Thompson at NLEX playerCalvin Oftana upang mapalakas pa ang National Team.