TARLAC -- Nakorner ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Tarlac Provincial Office at Camiling Police ang anim na drug personalities sa isinagawang buy bust operation sa isang hinihinalang drug den sa Barangay Poblacion A, bayan ng Camiling, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ng PDEA na sina Ian Tiamzon, 32; Dextie Dizon, 43; kapwa ng Camiling, Tarlac; Jeffrey Pascual, 36, Brgy. San Miguel, Tarlac City; Arnel Elenzano, 35, residente ng Brgy. Poblacion, Camiling Tarlac; Ricarte Prudencio, 30, Brgy. Bangkay, Camiling, Tarlac; at Kacy Chris Grospe, 31, Brgy. San Isidro, Camiling, Tarlac.

Sinabi ng mga awtoridad na anim na drug personality ang nakalista bilang High-Value Targets (HVI) .

Nakabili ng isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang ahente ng PDEA na nagsilbing poseur buyer, kapalit ng isang libong pisong bill.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakumpiska at nasamsam sa operasyon ang pitong heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo na nagkakahalaga ng Php 136,000.00, ilang drug paraphernalia, at ang buy-bust money.

Larawan mula PNP/PDEA

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA Tarlac Provincial Office at ng lokal na pulisya.

Ang Chief of Police na si Lieutenant Colonel Rainier Mercado, ang nanguna sa Camiling Police kasama ang PDEA Region III Tarlac Provincial Office.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pagsasampa sa korte laban sa mga naarestong suspek.