Nagbitiw na sa puwesto si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian matapos matuklasang pumirma sa sugar import order kahit walang go-signal ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ayon sa pahayag ngMalacañang nitong Biyernes.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpadala ng resignation letter si Sebastian nitong Huwebes kung saan inamin nito ang kanyang pagkakamali.

Nauna nang tinukoyni Angeles si Sebastian na pumirma sa isang resolusyong nag-uutos na umangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.

"Undersecretary Leocadio Sebastian has resigned from his post as Department of Agriculture undersecretary for operations and chief of staff to the DA Secretary currently headed by President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr," ayon sa pahayag ngMalacañang.

Kamakailan, hindi inaprubahan ni Marcos ang mungkahing umangkat ng asukal. Umabot na sa₱100 ang kada kilo ng asukal sa merkado dahil umano sa kakulangan ng suplay nito.

Matatandaanginihayag ni Angeles na"illegal" umano ang resolusyon dahil hindi nagpatawag ng pagpupulong si Marcos sa Sugar Regulatory Administration (SRA).