PANGASINAN - Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa isang Chinese at tatlong Pinoy na naaresto nang isagawa ang pagsalakay sa isang warehouse sa Pozorrubio kung saan nadiskubre ang₱2.5 bilyong halaga ng shabu nitong Biyernes ng hapon.
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Provincial officer Rechie Camacho, sasampahan nila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sinaKe Wujia, alyas James Dagale Galopo, isang Chinese, 49, at taga-San Vicente Sur, Agoo, La Union; Johnbert Yagong, 22, taga-San Agustin Norte, Agoo, La Union;Jenson Rey Yago, 29, taga-Napaturan, Brgy. Cod Cod, San Carlos City, Negros Occidental; at Ritchell Repuesto, 28, 'taga-San Carlos City, Negros Occidental.
Sa report, ang apat na suspek ay dinakip ng mga tauhan ng PDEA-Intelligence Service; PDEA NCR (National Capital Region); PDEA-Regional Office 1; PDEA Pangasinan; Team Navy; Pozorrubio Police Station; Pangasinan Police Provincial Office; at Regional Intelligence Division(RID) sa isang shabu warehouse saTurquoise St. Sunshine Village, Brgy. Banding kung saan isinagawa ang buy-bust operation.
Nakumpiska sa lugar ang 360 kilo ng shabu na naka-repack; dalawangcellphone; ilang analog phone; iba't ibang identification (ID) card; assorted documents at boodle money.
Idinagdag pa ni Camacho na ang apat na suspek ay big-time supplier ng illegal drugs sa mga karatig-lalawigan.