LA UNION - Dalawang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad matapos masamsaman ng ₱272 milyong halaga ng shabu sa San Fernando City sa nasabing lalawigan nitong Biyernes ng hapon.

Si Romel Leyese, 38, at isang John Paul ay hawak na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nauna nang nagkasa ng anti-drug operation ang mga tauhan ng PDEA-Region 1, Philippine Regional Office 1, Philippine Navy at iba pang law enforcement agencies sa Ilang-Ilang St., Barangay Poro dakong 12:45 ng hapon na ikinakumpiska ng 40 kilo ng shabu at ikinadakip ng dalawang suspek.

Ayon sa mga raiding team, naka-repack na ang mga shabu nang masamsam nila sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod dito, narekober din ng mga awtoridad ang isang telepono, iba't ibang identification (ID) card atassorted documents.