Pinaiimbestigahan ni SAGIP Party List Representative Rondante Marcoleta sa PhilippineCompetition Commision (PCC) at National Telecommunications Commission (NTC)ang joint venture ng dalawang media companies na ABS-CBN at TV5.

Ayon kay Marcoleta dapat tingnan ang posibleng violation ng joint venture transaction ng dalawang media companies.

"Ang nakikita ko parang circumvention ng batas yung gagawin nila na madaliang joint venture between ABS-CBN and TV5," aniya sa kaniyang panayam sa Radyo Pilipinas.

“Yung Philippine Competition Commission, hanapan din sila ng parang consent dito…Kailangan malinis na mailatag yan. Dapat kunan muna ng opinyon ang PCC sapagkat yung acquisition or merger or kahit ano pang sabihin nilang partnership, kinakailangan na dumaan.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

"TV5 malaki yan, pagkatapos ABS-CBN, mamomonopolize ang industry dito. Wala bang say dito ang Philippine Competition Commission? Hindi naman ganun, kaya nga tayo naglatag ng ganitong agency para tingnan ang lahat ng kapakanan ng mga apektadong sektor. Magiging monopoly ito kung tutuusin mo diba?" dagdag pa niya.

Hinikayat din ng kongresista ang NTC na imbestigahan ang posibleng violation ng ABS-CBN tungkol sa franchise nito.

"Sa totoo niyan mayroon akong resolution na hindi pa lang nabibigyan ng panahon, kinuwenta ko nga yung value administrative fine na sa akin talaga ay dapat lamang na singilin. 'Yun na nga base na rin sa mga napatunayang mga paglabag. Sana ang NTC ay 'wag naman magpakatahimik sa isyu na ito," aniya.

Isa si Marcoleta sa mga nanguna sa pagdinig ng kaso ng ABS-CBN hinggil sa franchise renewal nito noong 2020, na nakakuha naman ng “No”.

Matatandaang naselyuhan naang partnership deal ng ABS-CBN ng pamilya Lopez at MediaQuest (TV5) ng chairman nitong si Manny Pangilinan.

Present sa contract signing si MVP at iba pang opisyal ng MediaQuest gayundin ang ABS-CBN Chairman na si Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, at iba pang matataas na ehekutibo ng estasyon.

Sa pamamagitan ng kanilang “investment agreement”, makakukuha ang Kapamilya Network ng 34.99% ng total voting and outstanding capital stock mula sa Kapatid Network. Ang MediaQuest naman, na 99.67% ang pagmamay-ari sa TV5, ay makakakuha ng 64.79%.

“For ABS, it presents a fantastic platform for us to achieve synergies in production content and talent management as well as maximizing our content delivery. We look forward to be of greater service to the public as we come together in taking TV5 to the next level,” ayon kay ABS-CBN Chairman Mark Lopez.

“ABS-CBN has always been the leading developer and provider of Filipino-related entertainment content not only in the Philippines but overseas as well. Our companies have always had these cherished values of providing top and quality programs in the service of the Filipino people and together we believe we can achieve this in greater measure and success,” pahayag naman ni MediaQuest Holdings at PLDT Chairman Manny Pangilinan.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/11/ang-kapatid-ay-kapamilya-partnership-ng-abs-cbn-at-tv5-natuloy-na-marcoleta-umalma/