Hindi pa rin matibag-tibag sa unang spot ang mga anak ng yumaong founder ng SM Malls at SM Investments na si Henry Sy sa pinakamayayamang tao sa Pilipinas, ayon sa listahan ng Forbes.

Sy siblings ang nasa rank 1 para sa "Philippine's Richest 2022 List" na umabot sa $12.6B ang net worth dahil sa diversified nilang negosyo.

Pumapangalawa naman ang dating senador at kilalang business magnate na si Manny Villar na may net worth na $7.8B para sa industriya ng real estate. May sarili na rin siyang TV network na magbubukas na umano sa Oktubre, ang "Advanced Media Broadcasting System" o AMBS.

Para sa industriya ng Logistics, pumangatlo si Enrique Razon, Jr. na may net worth na $5.6B, pumang-apat si Lance Gokongwei and siblings na nasa $3.1B.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nasa panlimang spot naman ang Aboitiz family na nasa $2.9B ang net worth na kilala sa kanilang holding company na nakabase sa Cebu City.

Ang Top 6 hanggang 10 naman ay sina Isidro Consunji & siblings ($2.65B), Tony Tan Caktiong & family ($2.6B), Jaime Zobel de Ayala & family ($2.55B), Ramon Ang (&2.45B), at Andrew Tan ($2.4B).

May be an image of text that says 'RANK NAME NET WORTH Sy siblings 2. INDUSTRY $12.6 B Manuel Villar Diversified $7.8B Enrique RazonJr. Real Estate $5.6 B Lance Gokongwei siblings Logistics $3.1B Aboitiz family Diversified $2.9Ð 7. Isidro Consunji & siblings Diversified $2.65B 8. Tony Tan Caktiong & family $2.6 Construction & Engineering Jaime Zobel de Ayala & family 9. Food & Beverage $2.55 10. Ramon Ang Diversified $2.45 B Andrew Tan Food & Beverage $2.4Ð Diversified'
Larawan mula sa ABS-CBN News