Ibinida ni Atty. Vince Tañada, director-writer-producer ng pelikulang "Katips" na nasa ikalawang linggo na ito at pinayagang ma-extend sa mga sinehan dahil umano sa dami ng mga humihiling at patuloy na pagtangkilik ng mga manonood.

Ibinahagi ni Tañada sa kaniyang social media accounts ang post ng "Philippine Stagers Foundation" tungkol sa balitang ito.

"Dahil sa dami ng nagre-request at sa dami ng nanonood! Ang inyong request ay dininig ng mga sinehan! Extended ang Katips sa ikalawang linggo nito! Maraming salamat sa mga patuloy sumusuporta. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!" saad sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Isang netizen naman ang nagkomento tungkol dito, na sinoplak naman ng direktor.

"Nah I knew from the beginning that this movie would flop."

"Hindi nga po nag-flop. Kasi nga po 2nd week na sa sinehan. So your thoughts are wrong. Thanks," simpleng banat ni Atty. Vince.

Matatandaang pinabulaanan ng direktor ang bali-balitang flop ang Katips kaya isa-isa na itong pinupull-out sa mga sinehan.

Sinabi rin ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na tuluyan na raw pinakain ng alikabok ng "Maid in Malacañang " ang naturang pelikula.

Sa paglalarawan ni Fermin, “napakaputla” aniya ang “Katips” kung ikukumpara umano sa MiM.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/cristy-fermin-kinontra-si-vince-tanada-maid-in-malacanang-pinakain-ng-alikabok-ang-katips/">https://balita.net.ph/2022/08/08/cristy-fermin-kinontra-si-vince-tanada-maid-in-malacanang-pinakain-ng-alikabok-ang-katips/

Bagay na pinabulaanan naman ni Atty. Vince matapos ang pagbabalitang nasa ikalawang linggo na ang pelikula.