Halos lumundag daw ang puso sa kaba, matinding tensyon, at makapigil-hiningang mga eksena, ng mga tagasubaybay ng longest-running teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" sa Wednesday episode, Agosto 10, dahil sa pagkasukol ng mga kalaban sa ilang miyembro ng "Task Force Aguila".

Pumalo sa halos 350K ang concurrent views ng serye sa Kapamilya Online Live, at iba pa sa mga nanonood sa cable platforms, TV5, at A2Z Channel 11.

Bugbog-sarado ang mga karakter nina Raymart Santiago, Shaina Magdayao, John Prats, Jay Gonzaga, Marc Solis, at iba pa dahil nahuli sila sa trap ng mga kontrabidang sina John Arcilla, Roi Vinzon, at Raymond Bagatsing. Kinailangan pang i-black and white ito dahil sa tindi ng eksena.

Ang mas disturbing pa raw ay nang gahasain ng karakter ni Bagatsing ang karakter ni Shaina, sa harap mismo ng karelasyon nito, na karakter naman ni Raymart.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Grabeng suspense para na rin akong nanonood ng big movie! Gonna missed this serye."

"Gusto kong maiyak sa kaba… grabe ang galing talaga ng ABS!"

"Palabas lang ito, pero nahihirapan akong huminga, napaka-intense. Sana di mabawasan ang Agila."

"Intense!! Nervous attack!! Hindi ko mapanood nang tuloy-tuloy hahaha. Super ganda at ang gagaling n'yo po lahat, bravo!! Ito ang finale!"

"Kudos sa lahat, especially kay Shaina Magdayao. Calling ABS-CBN, Star Magic, matagal na sa industriya si Shaina, nagpakita rin siya ng loyalty sa network. Baka it's about time na itaas na ang level niya bilang A-lister ninyo, tutal marami na rin ang nilayasan kayo after ninyo pabonggahin ang career. She deserves it!"

Bukod dito, naging usap-usapan din ang mga eksena ng pagkakapatay sa karakter nina John Estrada at Lorna Tolentino. Nahati ang katawan ni John sa dalawa matapos hilain ng dalawang sasakyan. Si LT naman ay nagmistulang water lily sa fountain, matapos pagbabarilin nina Cardo Dalisay dahil sa pag-hostage sa karakter na presidente ni Rowell Santiago.

Samantala, abangan ang mas tumitinding eksena sa dalawang huling araw ng FPJ's Ang Probinsyano bago ang tuluyang paglipad ng "Mars Ravelo's Darna The TV Series".