Nakatakdang ilunsad ng Department of Education (DepEd) sa Lunes, Agosto 15, 2022 ang Oplan Balik Eskwela 2022 (OBE 2022) upang matiyak na magiging maayos ang pagbabalik sa eskwela ng mga mag-aaral sa bansa.

Sa isang paabiso nitong Huwebes, sinabi ng DepEd na magtatagal ang naturang OBE hanggang sa Agosto 26, 2022.

May tema anila itong "Kapit-Bisig Para sa Mas Ligtas na Balik-Aral."

“Muli na naman tayong magbabayanihan upang maitaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa lahat! Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon ngayong darating na Agosto 15-26, 2022 para sa Oplan Balik Eskwela 2022, sa ilalim ng temang "Kapit-Bisig Para sa Mas Ligtas na Balik-Aral." anang DepEd.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Nabatid na layunin ng OBE na matiyak na ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay maayos na makapagpatala sa klase.

Layunin rin nitong tugunan ang mga katanungan at iba pang alalahanin na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng taong-panuruan.

Ang School Year 2022-2023 ay itinakda ng DepEd mula Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw na face-to-face classes naman ay sisimulan sa Nobyembre 2, 2022.