BAGUIO CITY - Makukulong ng dalawang taon ang isang babaeng pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato ng droga kaugnay ng pagdadala nito ng illegal drugs sa lungsod noong 2021.

Ito ay matapos mapatunayan ni Baguio City Regional Trial Court Branch 61 Judge Lilibeth Sindayen-Libiran, na nagkasala ang akusadong si Areeya Fernandez-Damogo, 28, sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 dahil sa pagdadala ng 62 gramo ng iligal na droga.

Bukod sa pagkakakulong, iniutos pa ng korte na magmulta ng₱30,000 si Damogo at isasailalim din ito sa anim na buwang rehabilitasyon.

Nag-ugat ang kaso nang madakip ng mga tauhanNational Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BaguioCiyPolice Office si Damogo sa Barangay Pacdal, Baguio City noong Hulyo 2021.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi naman ng mga awtoridad, si Damogo ay kabilang sa mga miyembro ng Somali-Filipino drug syndicate nanag-eengganyo sa mga kabataang babaeng gumamit ng droga at makipagtalik bago sila i-recruit upang maging transporter ng droga.