Hindi makapaniwala ang babaeng biktima ng isang "Akyat-Bahay" matapos mapagnakawan na nga ng tatlong cellphone, nakuha pa siyang gawing "parausan" ng kawatan sa pamamagitan ng pagpapaligaya nito sa sarili noong Agosto 7, sa isa P-3, Poblacion, Trento, Agusan Del Sur.

Ayon sa ulat ng Brigada News, nagising ang biktimang nagngangalang si "Alyas Rose" nang maramdaman niyang may kumakaluskos sa loob ng silid na kaniyang tinutulugan, sa kanilang boarding house.

Naispatan niya ang isang nagmamadaling lalaking nasa kaniyang ulunan, habang isinusuot ang pang-ibabang saplot. Nagtama pa umano ang mga paningin nila, bago tuluyang tumakas ang kawatan.

Sa paghalughog umano sa buong boarding house, tatlong cellphone ang natangay ng kawatan kasama na ang pagmamay-ari ng kaniyang mga kapatid.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nandiri umano ang biktima nang mapagtanto niyang basa ng semilya nito ang kaniyang unan. Mabuti na lamang daw at hindi siya ginalaw o pinagsamantalahan ng suspek.

Naireklamo at naipa-blotter na ni Alyas Rose ang pangyayari sa Trento Municipal Police Station.