Arestado ng pulisya ang dalawang Nigerian at isang Pinay na pinaniniwalaang sangkot sa phishing scam matapos silangmabisto sa pagnanakaw ng₱1.4 milyon sa isang bank account at nagtangka pang mag-withdraw ng₱400,000 sa isang bangko sa San Pedro City sa Laguna nitong Agosto 9.

Kinilala ni Laguna Police director Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sinaSamuel Nomso Esomchi, 42, taga-BarangayBuaya, Imus, Cavite at Taye John Bamidele, 40, kapwa Nigerian, at taga-Brgy. Tandang Luna III, Imus City, Cavite; at Gladys Rias Francisco, 47, at taga-9687 Rosas St., Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.

Sa police report, nabuking ang tatlo nang tangkaing i-withdraw ni Francisco ang₱400,000 mula sa savings account ng negosyanteng Indian na si Surjan Singh Kathait, 45, sa China Bank, San Pedro Branch nitong Miyerkules, dakong 2:00 ng hapon.

Habang tinatangkang i-withdraw ni Francisco ang pera sa account ni Kathait, tumawag ang China Bank, San Pedro Branch sa China Bank-Carmona, Cavite Branch para sana sa inter-branch withdrawal.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Gayunman, nagpadala ng impormasyon ang China Bank-Bonifacio Global City (BGC) Branch na nagsasabing na-hack ang nasabing account at posibleng nabiktima ito ng panloloko o phishing scam.

Dahil dito, kaagad na tumawag ang bangko sa San Pedro Police na humingi naman ng tulong ng Cavite Provincial Intelligence Unit (PIU) at ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) at kaagad silang naglunsad ng hot pursuit operation.

Naaresto si Francisco sa Brgy. Nueva sa San Pedro City habang ang dalawang Nigerian ay dinakip sa isang gasolinahan sa San Pedro City at sa isang shopping mall sa lugar.

Narekober ng pulisya ang₱1.4 milyon sa mga suspek na nahaharap sa kasongpaglabag sa computer-related fraud (violation of Cybercrime Prevention Act of 2012), at Article 315 (Swindling/Estafa) ng Revised Penal Code in relation to Section 6 of Republic Act 10175.