Mukhang aktibo na ulit sa social media ang kontrobersyal na Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos ang mga pasabog sa isyu ng hiwalayan nila ng misis na si Kapuso actress Carla Abellana.

Noong Agosto 5 ay nag-post si Tom ng isang video clip habang nagpi-piano.

"Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self-soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song," aniya sa caption.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa isa pang IG post ay ibinahagi ni Tom ang kaniyang TikTok video habang nakasando lamang at nakadungaw sa tila balkonahe at hinahayaan ang katawang maarawan.

"Great day to be alive indeed! Wishing everyone a blissful day…You hold the power to make your day however you choose…make it a positive one," aniya sa caption.

Ngunit isang netizen ang nagkomento tungkol sa kaniyang pinagdaraanang isyu.

"Move on… now alam mo ng madaling bumitaw be thankful… Wag kasi kayo humanap ng babaeng maganda at successful hahaha kasi nasobrahan sila ng feeling strong and empowerment… For me walang lalaking di nagkamali… At wala ding babaeng di nagkamali, sa ibang gawa lang… kaya dapat marunong magpatawad at makalimot unless sobrang daming beses ng ginawa don ka na wag magpatawad," saad ng isang basher.

Sinopla naman ito ng isa pang netizen.

"Don't insinuate that it's a woman's fault and fragility to hold on to the relationship and don't give up. Blame the machism of the man instead. That's victim blaming. Pathetic."

Sa puntong ito ay namagitan na si Tom sa dalawang netizens na nagpupukulan ng argumento sa kaniya mismong IG post.

"Naliligaw po yata kayo with your soapbox, speaking of other people’s lives who’s contexts you know none of. Perhaps you can tend to cleaning your own room instead. Have a great day," saway ni Tom.

Paalala naman ni Tom sa kaniyang mga tagasuporta, "While I appreciate the support, let’s refrain na lang po from shaming others in this platform. Already so much of that going around in the world. Let’s cultivate some positive vibes."

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez