Sinupalpal ni “Katips” director Vince Tañada ang ilang netizens na hinihingi ang halagang kita ng kaniyang pelikula isang linggo mula nang ipalabas sa mga sinehan kasabay ng kontrobersyal na “Maid in Malacañang.”

Pinatulan na ng abogadong direktor ang ilang bashers sa kaniyang social media na patuloy na hinihingi ang gross income ng kaniyang pelikula.

“Galit sa magnanakaw pero sinungaling sa income ng pelikula,” paratang ng isang netizen sa isang Facebook post ng direktor, Miyerkules.

Sagot ni Tañada, “Ha? ‘Di nga ‘ko nagsasalita. OA mo naman hahahaha”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito’y kasunod ng hamon ni  “Maid in Malacañang” director Darryl Yap na ilabas ng abogado ang numero ng “Katips” sa takilya.

Basahin: Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Hanggang Ngayon gusto namin malamanang KATOTOHANAN SA KITA NG KATIP,” segunda ng isa pang netizen.

Banat ni Tañada, “Bakit? Pero mo ba ang ‘yung pinuhunan ko? Sige magkano bayad sa’yo? Gusto ko rin malaman.”

Diretsahan ding tinalakan ng isang netizen ang direktor na umano’y dinaan sa yabang ang pakikipag-back-to-back sa pelikulang “Maid in Malacañang” noong Agosto 3.

“Dapat kasi ;di inuunahan ng yabang, ang kapal kasing itapat ang pelikula mo sa MiM, dapat gumawa nalang si Direk Joel Lamangan ng pangtapat.. ‘Yan tuloy nilangaw ka, mas madami pang Kakampink ang nagustuhan ang MiM kesa sa pelikula mo.”

“Ay ‘di po kami nilangaw. Kung flop dapat wala na kami sa sinehan. But now on our second week. Ang saya-saya!” hirit ni Tañada.

Nauna nang nagpasalamat sa ilang celebrity si Tañada sa patuloy na pagsuporta sa kaniyang pelikula sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan.

Basahin: Ricky Lee, Gina Alajar, Juday, patuloy na nagpakita ng suporta sa ‘Katips’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid