Ibinahagi ni TV5 news anchor-journalist Julius Babao na personal na nagpadala ng text message sa kaniya ang president at CEO ng pizza restaurant chain na inireklamo niya dahil sa pagkakasama ng food-grade glassine sheet sa pagkakaluto ng inorder nilang pizza.
Matatandaang agad na tumugon ang Shakey's Philippines sa reklamo ni Julius sa social media sa pamamagitan ng tweet at agad na umaksyon kaugnay nito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/pizza-resto-tumugon-na-sa-reklamo-ni-julius-babao-pizza-nilutong-may-plastic-pa/">https://balita.net.ph/2022/08/08/pizza-resto-tumugon-na-sa-reklamo-ni-julius-babao-pizza-nilutong-may-plastic-pa/
Bukod dito, naglabas din ng opsiyal na pahayag ang pizza restaurant chain kaugnay ng insidente.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/sikat-na-pizza-resto-na-inireklamo-ni-julius-babao-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2022/08/09/sikat-na-pizza-resto-na-inireklamo-ni-julius-babao-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag/
Batay sa ibinahaging screengrab ng text message ng presidente at CEO, nakuha nito ang kaniyang numero kay Kapamilya host Luis Manzano, na may permission naman mula sa kaniya.
Tiniyak umano ni Mr. Vic Gregorio na hindi na mauulit sa kaniya at sa iba pang customers ang insidente.
"Thank you Mr. Vic Gregorio, Shakey’s President & CEO for assuring me that steps will be made to prevent another incident of the “pizza-plastic” blunder from happening again."
Bukod doon, hindi umano matatanggal sa trabaho ang mga empleyadong nagkamali.
"And that employees at fault will not be terminated from his/her job."
Ayon mismo ito sa pahayag ni Mr. Gregorio na mababasa sa kaniyang mensahe.
"The staffs involved will not lose their jobs because our initial findings show the deviation was not intentional. Even if some deviations like this hurt our brand image and reputation, we always give our staffs the full benefit of the doubt."
Nakatitiyak naman umano si Julius na pantay-pantay ang SOP o standard operating procedure nila kapag may nagreklamong customer sa kanilang produkto, at hindi dahil isang sikat na news anchor ang gumawa nito.