Marami ang nagtaka at nabulabog ang mga marites sa pag-update at pagtanggal sa apelyidong "Escudero" ni Kapuso star Heart Evangelista sa profile ng kaniyang Instagram account nitong Martes, Agosto 9.

Mula kasi sa "Love Marie Ongpauco Escudero" na siyang tunay na pangalan ni Heart at dala-dala ang apelyido ng kaniyang mister na si Senador Chiz Escudero, ay "LOVE MARIE" na lamang ito.

Pero kung titingnan at bibisitahin ang Twitter account nito, "LoveMarie O. Escudero" pa rin naman ang nakalagay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Heart Evangelista

In fairness naman daw, hindi inalis ni Heart ang nakalagay na "WIFE" sa kaniyang IG profile kaya nakampante ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na okay pa sila ni Chiz. Sa katunayan, huling nakitang magkasama ang mag-asawa sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-la Hotel sa The Fort, Bonifacio Global City, Taguig noong Hulyo 30.

"May Wife naman after her name. Hehe."

"Mas maikli ang name, unique at may recall since she's now an international celebrity madali hanapin at itagged globally. Wife pa rin naman naka-indicate, she maybe just wanted to build her career independently, malisyoso lang yun nakaisip that her marriage is on the rocks."

"Still, she's the wife."

"Saka may nakalagay pa naman na wife eh masyado naman issue mga pipol!"

May be an image of 1 person and text that says 'iamhearte 13.9K 10.7M 2,968 Posts Followers Following Heart Evangelista Artist MARIE LOVE Wife Artist. CEO pure @pure_living Author. Advocate... more sked.link/iamhearte Followed by ilovekaye, iamkarendavila and 282 others Following Message Email'
Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Pero may mga nakapansin daw na tila matamlay o wala sa mood si Heart? How true?

Nag-IG story din ang aktres ng isang hillsong na may pamagat na “Oceans” kaya hinala ng mga netizen na baka may pinagdaraanan talaga ito.

O baka naman daw may bagong proyekto ang Kapuso star kaya gumagawa ito ng paraan upang mapag-usapan.

Sa kabila ng mga isyung ito ay wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Heart at Sen. Chiz tungkol dito.