Matapos mabigong makapasok sa nakaraang NBA Rookie Draft, nagdesisyon si 7'2" center Kai Sotto na sumali sa Gilas Pilipinas para sumabak sa nalalapit na FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ito ang inanunsyong Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) nitong Miyerkules habang hinihintay ang pagdating sa bansa ni Sotto sa Agosto 18.

"We are glad to have Kai into the Gilas fold, and thank him for his proactive response to the call to play for flag and country for the August qualifiers," ayon kay SBP executive director, spokesperson Sonny Barrios.

Bukod sa pagsali sa Philippine Team, nakatakda ring maglaro si Sotto saAdelaide 36ers sa National Basketball League sa Australia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dati nang naglaro si Sotto sa Gilas Pilipinas na sumabak saFIBA Asia Cup qualifiers at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament noong nakaraang taon.