Bilang pasasalamat ni Ivana Alawi sa kaniyang 15 million subscribers milestone sa YouTube, namahagi ang vlogger-actress ng mahigit 8,000 grocery bags, champorado at kabuuang P1.2 milyong cash sa ilang mahihirap na komunidad sa Metro Manila.

Sa kaniyang latest vlog noong Agosto 7, ibinahagi ni Ivana ang naging preparasyon ng kaniyang pamilya at mga empleyado mula sa pag-rerepack ng grocery bags at pagluluto ng champorado.

Laman ng grocery bags ang bigas, sabon, ilang canned goods at noodles.

Naging hands-on sa paghahanda sa munting handog ang pamilya ni Ivana kabilang ang inang si Marbella, at mga kapatid na sina Mona, Hashim, at Amira.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa ikatlo at huling batch ng pamamahagi ng groceries, si Ivana mismo ang unang namigay ng regalo sa isang komunidad na nasa gilid ng riles.

All-smiles ang mga nabigyan ng regalo, at P200 cash, habang game na game rin si Ivana na nagpa-picture sa ilang pumila sa kaniyang handog na pasasalamat.

Sa huli, pinasalamatan ni Ivana ang kanyang masugid na subscribers na patuloy na tinatangkilik ang kaniyang vlogs.

Pinasalamatan din ng aktres ang kapatid na si Mona na siyang nagkumbinsi sa kaniya na pasukin ang YouTube career.

Nagtapos ang vlog ni Ivana sa isang munting almusal kasama si Mona at kaniyang Mama Fatima na nagpasalamat din sa 15 million subscribers ng anak.

&t=1125s