Kahit maituturing na nasa honeymoon o "luna de miel" stage pa sina Hidilyn Diaz at mister at coach na si Julius Naranjo ay tuloy na tuloy pa rin ang pagsasanay ng kauna-unahang Pilipinang 2020 Olympics gold medalist para naman sa 2024 Paris Olympics, para sa weightlifting.

Kung matutuloy at walang darating na aberya, magaganap ang Paris Olympics sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Matatandaang napurnada ang pulot-gata ng bagong kasal nang lumindol sa Norte noong Hulyo 27. Nagkataong naroon din sila kaya biro ng mga netizen, grabe naman daw ang "yanigan" ng bagong kasal dahil naramdaman ng halos buong Pilipinas. Hulyo 26 kasi ay ikinasal ang dalawa sa Baguio City na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/akala-ko-si-julius-yung-gumagalaw-hidilyn-inakalang-sa-mister-nagmumula-ang-pagyanig-sa-lindol-na-pala/">https://balita.net.ph/2022/07/28/akala-ko-si-julius-yung-gumagalaw-hidilyn-inakalang-sa-mister-nagmumula-ang-pagyanig-sa-lindol-na-pala/

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

"Itabi muna natin ang honeymoon…" saad ni Hidilyn sa isang panayam. May mahigit 700 araw na lamang daw ang nalalabi para sa kaniyang pagsabak sa hindi basta-bastang training.

"Kahit mahirap, even though I do not need to prove anything, gusto ko pa rin gawin ang lahat ng makakaya ko para sa weightlifting at para sa Pilipinas," ani Hidilyn.

Ito ay sa kabila ng payo umano sa kaniya ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas" o SWP President Monico Puentevella na maghinay-hinay na sa weightlifting at mag-enjoy sa kaniyang buhay may-asawa.

Hindi umano panghabambuhay ang weightlifting at sinabihan niya si Diaz na i-enjoy ang mga bagay na nakuha niya at patuloy na tinatamasa niya ngayon dahil sa karangalang dinala niya sa bansa.

Bukod sa karangalan, marami sa kababaihan ang nabigyang-inspirasyon ni Diaz, at napukaw ang atensiyon tungkol sa weightlifting.

“Hidilyn has done so much for this country. I expect Hidilyn to try her best because she really wants to be in Paris. But I told her weightlifting is not forever, have a child, enjoy, because you have so much blessings in life. May pera, libre ang kotse, libre ang bahay, libre lahat. she has millions,” pahayag ng dating mayor ng Bacolod na si Puentevella.

Bagama't concern lamang si Puentevella ay marami naman sa mga netizen ang nagsabing hindi raw dapat pinanghihimasukan ang desisyon ni Hidilyn.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/09/payo-ng-swp-president-kay-hidilyn-diaz-inulan-ng-reaksiyon-mula-sa-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/08/09/payo-ng-swp-president-kay-hidilyn-diaz-inulan-ng-reaksiyon-mula-sa-mga-netizen/

May mga netizen na nagsabing makalumang kaisipan na raw na ang tanging silbi ng mga babae ay magkaroon ng anak o manatili na lamang sa loob ng bahay.