May hamon ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap sa direktor ng katapat na pelikulang "Katips" na si Atty. Vince Tañada na ilabas at ipakita sa publiko ang tunay na kinita ng kaniyang pelikula, simula nang pagbubukas nila sa mga sinehan noong Agosto 3.

Sa Facebook post ni Yap noong Agosto 8, ibinahagi niya ang pubmat ng pahayag ni Tañada na "Disinformation is the bigger enemy, not Maid in Malacañang".

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Binira ni Yap ang umano'y ginawang biro ng direktor na ₱41M ang tinabo ng Katips sa takilya, sa tweets nila ng showbiz columnist na si Ogie Diaz.

"For the sake of honesty and for your cause to fight disinformation, I challenge Vince Tañada to disclose the real numbers of his films’ gross," ani Yap.

"Explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date."

"Together, we must fight the bigger enemy Mr. Tañada. This and all for the sake of the Philippine Movie Industry and our Responsibility to the Bureau of Internal Revenue Philippines," pahayag pa ng direktor ng VinCentiments.

Sa ulat ng VIVA Films, ang co-production company na nag-produce ng MiM, umabot na umano sa ₱164M ang kinita ng MiM sa loob ng anim na araw.

"Kapag lalong inaapi, MAS LALONG TUMITINDI! Ang tindi talaga ng suporta at pagmamahal ng sambayanang Pilipino sa MAID IN MALACAÑANG dahil umabot na tayo sa ₱164 MILLION TOTAL GROSS TO DATE!" ayon sa latest Facebook post ng movie company, hinggil sa kinita ng pelikula.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Tañada tungkol dito.