Isa na namang bawas-presyo sa produktong petrolyo ang inaasahang ipatupad sa susunod na linggo.
Sa pahayag ng mga taga-industriya ng langis, ang oil price rollback ay ibinatay sa unang tatlong araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado.
Umabot sa₱3 ang ibinagsak ng presyo ng diesel at kerosene habang₱1.00 naman sa gasolina.
Kaugnay nito, kumpiyansa naman ang Department of Energy (DOE) na tuluy-tuloy na ang pagbagsak ng presyo sa pandaigdigang merkado sa mga darating na araw.
"Kung ang pagbabasehan lang natin ay ang Monday trading, mukhang magkakaroon ng rollback next week kung magsusunod-sunod at walang ibang development na makahahatak ng nasabing presyo. Ang kadahilanan po sa nakitang rollback 'yung pagbaba ng Chinese consumption, pagbuhay ng muli ng US-Iran deal at saka 'yung pagbaba ng demand," pahayag naman ni DOE Assistant Director Rodela Romero.
Nauna nang ipinaliwanag ng mga eksperto, malaki ang posibilidad na masundan ang rollback sa susunod na linggo dahil ang general forecast ay pababa na rin ang magiging presyo sa international market.