Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si television personality Arnaldo Arevalo "Arnell" Ignacio bilang hepe ngOverseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Miyerkules, Agosto 10.

Gayunman, wala pang inilalabas na appointment paper ni Ignacio, ayon kay Angeles.

Papalitan ni Ignacio ang kasalukuyang hepe ng OWWA na si Hans Leo Cacdac.

Noong Enero 23, 2018, itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Ignacio bilang deputy executive director ng OWWA,

Gayunman, nagbitiw sa puwesto si Ignacio noong Pebrero 2019 dahil sa "personal na dahilan."

Si Ignacio ay dati ring naging Assistant Vice Presidentfor community relations and services department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).