Umaabot na sa mahigit 18.6 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapagpatala na para sa School Year 2022-2023.

Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, iniulat ni DepEd Spokesperson Michael Poa na ang naturang pigura ay nasa 64% hanggang 67% na ng kanilang target na 28.6 milyong enrollees ngayong taon.

Muli rin namang hinikayat ni Poa ang mga magulang na ipa-enroll ng maaga ang kanilang mga anak upang matulungan ang mga paaralan sa ginagawang paghahanda para sa nalalapit na pasukan.

“Ang experience [kasi] natin in previous years, sa last day of enrollment and even during bukas na 'yong schools, tumatakbo 'yong klase, nag-e-enroll pa 'yong learners,” ani Poa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Paliwanag niya, ang pagkakaroon ng konkretong enrollment figures ay malaking tulong sa DepEd upang makapagpatupad ng mga epektibong istratehiya laban sa COVID-19, dengue, monkeypox at sa North Luzon earthquake.

Ang enrollment period para sa SY 2022-2023 ay sinimulan noong Hulyo 25, 2022.

Inaasahang magtatapos ito sa Agosto 22, na siyang unang araw ng klase.

Ang limang araw na face-to-face classes naman ay sisimulan sa Nobyembre 2, 2022.